Madilim ang aking buhay,
Ang puso ko ay matamlay,
Ang bukas ko ay lumabo na,
Hanggang sa nakilala ka.
Ayoko ng ilihim pa,
Ang pag - ibig ko ay lumalim na,
Kaligayahan ang makita ka,
At ang mahawakan ka.
Ikaw na nga,
Ang gusto kong makasama
sa Araw - araw at sa gabi.
Ikaw na nga,
Ang gusto kong makapiling
sa Araw na ito hanggang sa tumanda na tayo.
Lumipas ang maraming taon,
Ikaw pa rin hanggang ngayon,
Di sasayangin ang mga panahon,
Sabihin na sa'yo.
Na ikaw na nga,
Ang gusto kong makayakap,
Sa pagtulog tuwing gabi.
O eto na,
Dumating na ang hinihintay
nating dal'wa.
Pakiusap ko lang sa'yo,
Sagutin mo ng oo,
Pakakasalan mo ba ako,
Mahal ko?